Ito ang isa sa mga pinakakamot ulong usapan na naranasan ko sa buong buhay ko. Tumawag sakin yung kaibigan kong itatago natin sa pangalang Ashley Melissa Santillan para mangamusta.
Ash: Hi, what are you doing?
Me: Watching a DVD after a hard day’s work.
Ash: Ah talaga? Saan?
Me: Anong saan? DVD nga.
Ash: Kaya nga saan nga?
Me: Paanong saan? Sa bahay ko!
Ash: Oo alam kong sa bahay mo! Anong channel?!
Me: HA? ANONG “ANONG CHANNEL?”? DVD NGA E!
Ash: AAAH AKALA KO YUN YUNG TITLE NG SHOW!
In her defense, may mga ganyang moments tayong lahat. May kaibigan akong umorder dati sa Jollibee ng Meal “Number A” whatever that means. Dati naman may kausap ako sa YM at tinype niya yung “d” sa screen. Alam mo ano sabi ko? “Wow ang galing niyan ah! Pano mo nagawa yung inverted na b?” Narealize ko lang yung napakatinding kabobohan ng tanong ko nung nakita kong nagawa ko na pala siya nung sinulat ko yung salitang “inverted”. Definitely not one of my proudest moments in life.