Sakto lang na nung araw na pumunta kami sa Disneyland, nakataas ang Signal No. 3 sa buong Hong Kong. Kinabahan kami nung una pero we soon found out na hanggang Signal No. 8 pala ang bilangan nila dun. Dahil mababasa ang mga mascot, ayan lang ang cartoon character na nakuhanan namin ng picture. Siyempre dahil it was raining cats and dogs, nagtago si Mr and Mrs. Mouse. (pun very much intended thank you very much) Buti na lang may cartoon character ang Disney na gawa sa plastic. Kahit papano meron kaming malabong picture na nakasaludo.
Pangalawang beses ko na sa Hong Kong Disneyland ngayong taon. Wala pa rin kaming picture ni Mickey Mouse. Siguro hindi lang talaga kami meant to be. Hay.
*Sabay tulo ng tear drop sa keyboard for dramatic effect*
