Hindi ako madaling matakot sa mga horror films. Hindi ko sinasabing napakatapang kong tao (napatili ako dati nung nahulugan ako ng butiki) pero ako yung tipong tumatawa habang nanunuod ng The Ring dahil tingin ko mukhang may epilepsy si Sadako.
Ang kaisa-isang pelikula na talagang natakot ako ay ang pelikulang The Shining. Mga alas tres na ata ng umaga nung unang beses ko siyang pinanuod dahil sinasadya ko talagang takutin yung sarili ko. Fortunately/unfortunately, gumana. Gusto ko tong The Shining kase hindi siya yung typical horror movie na nanggugulat. Cerebral ang approach ni Stanley Kubrick sa pananakot kaya mas tumatatak.
Etong video clip sa taas ang isa sa mga paborito kong eksena from the film. Ewan ko kung matatakot ka pero nung pinanuod ko siya natakot ako. Mas maaappreciate mo siya kung mapanuod mo yung buong pelikula kase Kubrick succeeds in setting a mood for the whole film na hindi mo siguro mapapansin from watching just one clip. Matagal na kong naghahanap ng excuse para i-upload tong video na to. At dahil malapit na ang Halloween, I have the perfect excuse.
Enjoy.