Pagkatapos ng 15 taon ng pagkakakulong, pinalaya si Hubert Webb at ang mga iba pang kasama niya. Dahil sikat itong kasong ito, kabilaan ang kuro-kuro ng mga tao tungkol sa desisyon. Merong nalungkot na pinalaya siya, meron rin namang natuwa. Sabi nung naniniwalang guilty si Webb, nagapang daw yung apela sa kaso dahil may huradong malapit sa mga Webb. Sabi naman nung mga naniniwala na hindi siya guilty, palpak daw tong hustisya sa bansa dahil ang tagal kinulong ni Webb para sa krimen na hindi naman niya ginawa. (Batuhan ng mga opinyon, pero kung nagkakasundo sila sa isang bagay, yun ay ang pag kondena sa Korte Suprema ng Pilipinas)

Kung ako ang tatanungin, hindi ko naman talaga masabi kung guilty si Hubert Webb. May ebidensyang nagsasabing guilty siya at meron rin namang mga pangyayaring kaduda-duda na susuporta sa pagiging guilty niya (tulad na lang ng pagsunog ng ebidensya ng isang NBI agent na nautusan daw kuno ng isang maimpluwensyang tao). Pero hindi rin ako kumportableng sabihin na inosente siya. Pasensya na pero sa sitwasyong ito hindi ako naniniwala dun sa kasabihang “innocent until proven guilty” e. Hindi naman napatunayang guilty si Marcos sa pagpatay kay Ninoy pero masasabi mo bang inosente siya? Sa klase ng justice system at lipunan na meron tayo, hindi siya palaging applicable e. So kung hindi siya guilty, innocent ba dapat siya? In the strictest sense, oo. But the thing is, hindi nga natin alam yun talaga e. Whether we like it or not, the fact is hindi talaga siya ganun ka-black and white. Hindi natin masasabi basta basta e. Ako mismo may opinyon at hinala tungkol dito sa kasong to pero hindi ko nilalahad basta basta kase hindi naman ako sigurado e.

Siguro ang dahilan ko lang sa paggawa ng entry na to ay para lang sabihin na sana hindi tayo masyadong mabilis gumawa ng mga paratang na may sala yung tao o inosente yung tao kase sa totoo lang, hindi naman talaga natin alam e. Kinikilabutan ako dun sa mga nagsasabing inosente si Webb. Hindi natin masasabi ng ganun kadali yun kase may ebidensya rin naman laban sa kanya kahit papano e (Hindi lang yung kay Jessica Alfaro). E pano pala kung siya talaga yung pumatay diba?

Hindi mo rin masasabi na guilty siya kase nga wala pa namang napapatunayan. So kung tatanungin mo ko kung guilty ba siya o inosente, ano isasagot ko sayo? Simple lang. “Hindi ko alam.” Non-committal ako oo, pero hindi naman talaga tayo andito para humusga e. Sana wag tayong maging padalos-dalos sa paghusga at pag abswelto bilang pasintabi na lang sa pamilya Webb at pamilya Vizconde.

Notes

  1. reypinmoko posted this