Hindi na ko gagawa ng movie review ng Toy Story 3 dahil kung napanuod mo na to, malamang may sariling opinion ka na tungkol dito. Kung hindi mo naman napanuod, malamang narinig mo na sa ibang tao kung maganda man siya o hindi. (Wala pa naman akong narinig na sinabing hindi siya maganda)

Pero siyempre dahil lahat ng bagay pinapatulan ko, eto ang mga ilan sa naisip ko habang nanunuod:

1.) Kapag nanuod ka ba nung lumang Disney movies (tulad ng Lion King kunwari) na naka-3D format anong itsura nun? Kase gusto ko talagang mapanuod yung stampede scene sa Lion King in 3D. Tapos nanginginig pa dapat yung upuan! Oo, simple lang ang mga pangarap ko sa buhay. Don’t judge me.

2.) Pag nanuod ka ng Toy Story maiinggit ka kay Andy kase nabubuhay yung mga laruan niya. Parang ang saya diba? Pero kung iisipin mo talaga hindi rin okay yun e. Pag nalaman kong nabubuhay yung mga laruan ko siguro mababaliw ako at magiging taong grasa na lang na gumagala-gala sa kalye. Hindi na ko makakapunta ng Toys ‘R Us nun ng hindi naiihi sa salawal.

3.) May babae akong kapatid na mas bata at marami siyang mga manika dati ng mga batang babae na nakasuot ng dress. Parang ganito,

Gusto mo bang mabuhay yang mga yan? Imagine mong magigising ka sa hating gabi tapos nakatayo sila ibabaw ng kama mo yang mga yan nakatingin sayo. Putangina lang diba?

4.) Naglambitin si Woody sa puno, bumagsak sila ng ibang beses, nahuhulog sila sa bundok ng basura, inararo sila ng tractor, dinaganan si Woody ng aso, lumapit sa nagbabagang apoy… Ako lang ba o parang masyado atang matibay tong mga laruang to? Mga laruan kong GI Joe at He-Man dati mapalakas lang ng konte hila mo napuputol yung braso e! Hindi ko na kailangan ng laruang nagsasalita, gusto ko lang yung kasing tibay ni Woody!

5.) Hindi challenging na kalaban para kila Woody and Buzz yung purple na teddybear e. Masyado na silang magaling nakakadalawang pelikula na yun e. Sana yung Toy Story 4 isama nila tong laruan na to:

Siya yung kalaban. Pang-gulo lang.

Notes

  1. reypinmoko posted this