Sabi nila nag memellow ka daw kapag tumatanda ka na. Galing sa mga pelikula tulad ng Scorpion King, mapapanuod mo na si The Rock ngayon sa mga pelikulang tulad ng “The Tooth Fairy” at “Race to Witch Mountain”. (Why, The Rock? Why must you sink so low?)
Isa pang magandang example niyan ay si Snoop Dogg. Mula sa pagiging “gangsta” nung early 90s, mapapanuod mo na siya ngayon sa mtv ni Katy Perry na nakasuot ng suit na gawa sa candy, may pimp stick na ang dulo ay cotton candy, gumagawa ng castle gamit ang ice cream cones at tower gawa ng waffles, at napapaligiran ng cup cakes at kung ano anong matatamis.
Feeling ko kung makikita ni early 90’s Snoop Dogg si 2010 Snoop Dogg sa daan, babarilin niya to sa isang drive-by.
