(Yep, Olivia Wilde dated/is dating this guy, Salman Rushdie. Oo siya nga naman si Salman Rushdie pero susmaryosep naman diba! Ano ba namang kalokohan to?!)
Nung first year college ko nakita ang pinakamagandang babae sa Ateneo. Nung nakita ko siya nasigurado ko na sa sarili ko na hindi ako nagkamali ng pagpili sa school na pinuntahan ko. Tuwing nakikita ko siya dati, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “putangina ang swerte naman ng magiging asawa nito!” May isang araw na sobrang hangin sa school at nakita ko siya sa labas ng classroom na hinahangin yung buhok at dress na suot niya. Naalala ko na sa mga oras na yun sinabi ko sa sarili ko na sana hangin na lang ako. Sa buong buhay ko, yun ang unang beses na nainggit ako sa hangin. Alam mong matindi na ang problema mo kung naiinggit ka na sa hangin.
(Disclaimer lang, kahit mukhang lagi kong kinakausap ang sarili ko sa kwento, hindi ako siraulo. Baka isipin niyo ako si Gollum e)
Nung minsan, papasok na dapat ako sa klase ko at nakita niya ko sa corridor. Hinarang niya ko para pasalihin sa focus group discussion nila for one class. Imagine the scenario: I was this scrawny freshman less than a year removed from high school and in front of me was this goddess of a woman. How could I say no, right? So I skipped class and it was oh so glorious!
(I found out soon after that I was about to get an A for that subject. But because I skipped this one class, I got a B+ instead. Mas masaklap nun, DL sana ako for that sem kung nakuha ko yung A)
Nasa Greenbelt kahapon at nakita ko siya ulit. May kasamang boyfriend na, aaminin ko na, hindi naman kagwapuhan. I mean, hindi naman siya pangit pero considering na sobrang ganda ng kasama niya, putangina namang swerte yan! I was trying to wrap my brain around the whole thing and I came up with these theories para ipaliwanag ang lahat ng ito sa sarili ko (na umiiyak deep inside):
1.) Magkababata sila kaya meron siyang unfair advantage of having early access.
2.) Tambunting ang apelyido nito or kasama to sa Forbes list ng pinakamayaman sa Pilipinas.
3.) Siya ang pinakanakakatawang tao sa buong Metro Manila at sa mga katabing probinsya.
4.) Sorcery or some form of evil magic is at work. Bumibili siguro to ng gayuma kay Madam Auring.
Pero naisip ko imbis na malungkot ako, dapat matuwa na lang ako. Isa itong pagkapanalo ng ordinaryong tao! Isang patunay na hindi laging sila Derek Ramsay at ang mga lalake sa cover ng Men’s Health ang nagwawagi sa buhay!
Kaya mabuhay kayo, lalakeng nanalo sa relationship lottery at Salman Rushdie! Mabuhay kayo!
(I just blogged about a crush I had during college. There’s something very wrong about all this)