Minsan nakakatakot maipit sa traffic kasama ng mga magulang mo. Kung ano ano napaguusapan e. Habang ipit sa 3-hour traffic ng Marcos Hi-way, tinanong ako ni Rey Sr. tungkol sa lovelife ko.
Siya: Wala ka bang nililigawan ngayon?
Ako: Wala po.
Siya: Ha? Bakit?
Ako: Wala po akong nagugustuhan e. Ang nakakaharap ko naman araw araw sa office tayo tayo rin.
Siya: Eh diba lumalabas ka naman?
Ako: Pag lumalabas naman po ako kasama ko mga kaibigan ko. Hindi naman kami pumupunta sa mga bar o sa mga club para maghanap ng babae.
Siya: Anak, umamin ka… Bading ka ba?
Joke lang. Hindi niya talaga tinanong yang last question. Pero naisip ko pag tumagal pa tong pagiging single ko baka pagdudahan na ko ng sarili kong ama. Hindi okay yun! Pero sa totoo lang masarap rin kase talagang mapahinga sa sama ng loob at sakit ng ulo.
