Habang nanunuod ng Pilipinas Win na Win, nakita ko yung bagong commercial ng Rexona Skinlight. Dahil wala akong mahanap na YouTube video, ikukwento ko na lang: May dalawang babae tapos nasiraan sila ng kotse. So ginawa nila pinapara nila yung mga kotseng dumadaan. Yung unang babae yung pumapara sa mga kotse. E kaso maitim ang kili-kili niya. As in maitim talaga ah. Yung tipong iisipin mo deodorant niya gawa sa uling. So ayon sa commercial, walang pumapansin sa kanya dahil maitim yung kili-kili niya. Kaya ginawa nung kasama niya, pinunit niya yung sleeves ng blouse niya para ipakita yung mas makinis niyang kili-kili. Lo and behold, ang daming huminto na mga lalake! Tumakbo sila para tulungan siya! Nag aagawan pa kung sinong mauuna! Tapos pagkatapos nilang magawa yung kotse, sumakay agad yung dalawang babae sa kotse at nag drive palayo, kumakaway ng nakatalikod sa mga lalakeng iniwan nila.
So anong sinasabi satin ng commercial na to?
1. Kung maitim ang kili-kili mo, patay ka pag may emergency. Walang tutulong sayo. Manigas ka sa gilid ng kalsada.
2. Ang mga lalake ay tutulong lang sa babaeng maputi ang kili-kili. Yun talaga ang main criteria na cinoconsider nila pag may tinutulungan sila. Makikipagpatayan sila para sa maputing kili-kili. Yung nakasuot ng polo at may pupuntahang meeting, okay lang madumihan ang suot niya para lang makatulong sa babaeng may maputing kili-kili
3. Pag maputi ang kili-kili mo, pwede kang hindi magpasalamat pag tinulungan ka. Actually, pwede kang maging kupal at bugahan sila ng usok ng tambutso mo pagkatapos kang tulungan. Bakit? kase maputi ang kili-kili mo e. Para kang diyos.
Kaya girls, ano pang hinihintay niyo? Bili na ng Rexona Skinlight. Paputiin na ang mga kili-kiling yan!